Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senatorial bet mahilig sa biglang liko

0 236

Sino raw itong kandidato sa pagka-senador ang mahilig tumakas habang nangangampanya sa mga probinsya?

Naikuwento ng ilang ‘Marites’ kay Mang Teban na maaga namang dumadating ang kandidatong ito sa kanilang assembly place. Ang diskarte ng kandidato, mag-iikot muna sa mga lugar para mangumusta sa mga tao saka babalik kapag lalarga na ang caravan.

Kaya lamang, habang nasa kasagsagan ng caravan, bigla itong liliko sa isang kalsada upang kumalas sa caravan. Hindi tuloy malaman ng ibang kasamahang senatorial bet kung saan ang side trip ng kanilang kapartido.

Kapag may rally naman sa gym o covered court, kapag nakapagsalita na ang kandidato at nailatag na ang plataporma sa audience, para itong sinisindihan sa kanyang upuan dahil agad itong umaalis na hindi man lamang tinatapos ang campaign rally ng partido.

Ang style ng mokong, magkukunwari na magbabawas sa rest room pero ‘yung exit pala ng gym o covered court ang pinupuntahan upang tumakas na hindi man lamang nagpapaalam sa kapwa niya kandidato.

Pintahan niyo na. Ang kandidatong ito ay binansagang ‘Boy Takas’ dahil sa madalas umeskapo sa mga kampanya. May letra itong T sa kanyang apelyido.

Leave A Reply

Your email address will not be published.