Una sa Balita

Senatoriable sinuba si basketball player

0 394

Maraming fan ang excited kina Kobe Paras at Ricci Rivero, dalawa sa mga bagong pambato ng UP Maroons basketball team.

Dahil sumali ang UP sa 13th season ng FilOil Flying V Pre-Season Cup kasama ang Unibersidad ng Arellano, De La Salle, Jose Rizal, San Beda, San Sebastian College-Recoletos, University of Perpetual Help System Dalta at University of Santo Tomas, mataas nga ang expectations sa tropang pinamumunuan ni coach Bo Perasol.

First time nilang magkakasama sa isang torneo, dahil dito, umaasa ang UP community na makakatulong ito sa lalong pagpapalakas ng Maroons.

Bukod kina Paras at Rivero, inaasahan ding mas maglalabas ng tikas at galing ang mga ‘sabak’ nang sina Jun Manzo, Juan and Javier Gomez De Liaño, JD Tungcab, Janjan Jaboneta, Pio Longa, David Murrell, Bright Akhuetie, Jerson Prado, Will Gozum at James Spencer.

  Ngayong May 5 magsisimula ang naturang torneo sa FilOil Flying V Centre in San Juan. 

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi sumali ang Ateneo de Manila University ay dahil daw sa isyung mas nais nilang tutukan ang UAAP tournament at hindi raw nila trip ang sumali sa mga kagayang liga.

Suplado nga ba o nag-iingat lang sila?

***

Ay gaano kaya ka-true ang tsismis na merong isang kilalang professional basketeer na kulang na lang daw hingin ang buwan at araw sa taas ng quotation na dine-demand ng kampo nito para lang sumama sa mga campaign sortie at sports clinic ng isang senatoriable?

Ayon sa aming ka-chismacker, presyong ‘pa-ayaw’ daw ang sinabi ng tropa nitong si kilalang player sa kampo nitong si senatoriable na mahilig din sa sports.

Crowd drawer si player at malaking bagay sa mga sortie ni senatoriable ang presence nito, lalo pa nga’t magaling talaga itong basketball player.

Proven ding may positive effect si player dahil sa image nitong wholesome, mabait at good role model.

Nang magtanong-tanong kami kung bakit nag-presyo ng ganun ang kampo ni player gayung dati naman ay malapit siya sa naturang kandidato, isang nakakalokang tsika ang nalaman namin.

Na kesyo raw pala dati ay never na nagbigay kahit singkong duling ang naturang kampo ni senatoriable nu’ng una itong sumabak sa politika.

At ang nakakaloka pa, nagkaroon daw ng insidente nu’ng nakaupo si senatoriable na dedma lang ito sa ilang mga pabor na ni-request ng kampo ni player kasama na ang suporta sa ibang liga at sports events.

Sey nga nila, “weather-weather lang.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy