Una sa Balita

Senatoriable pinagbawalan magkabayo

By
0 682

ISANG lungsod sa Metro Manila ang naglabas ng ordinansa na nagbabawal sa kabayo sa kalsada.

Hindi naman daw si ‘unkabogable star’ Vice Ganda ang target ng ‘kabayo ban’ kundi isang kandidato sa pagka-senador.
Sa nasagap na impormasyon ni Mang Teban, binalak daw kasi ng senatoriable na manga­bayo sa lungsod habang nangangampanya sa mga botante.

Hindi daw kasi feel ni senatoriable na suma­kay sa karosa dahil walang dating pero kung nakasakay siya ng kabayo ay malakas ang hatak nito sa masa

Aba’y malakas din yata ang radar ni Mayor, agad na pinakilos ang konseho at ura-uradang inaprobahan ang ordinansa na nagbabawal sa yokabab.

Wala nang nagawa ang senatoriable kundi magkamot na lang ng ulo dahil sa bulilyaso ang kanyang campaign gimmick.
Pintahan niyo na. Ang senatoriable na gustong mangabayo sa kampanya ay marunong din tumambling. May letrang L sa kanyang pangalan, as in Lotto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy