Una sa Balita

Senatoriable nakaladkad sa banggaang Aquino-Falcis

0 971

NAKALADKAD ngayon ang isang kandidato sa pagka-senador sa away ni Kris Aquino sa dating business partner nitong si Nicko Falcis.

Base sa A1 info ni Mang Teban, konektado daw kasi sa senatoriable ang taong tumutulong kay Falcis.

Matatandaang lumikha ng ingay si Falcis matapos itong maghain ng counter-affidavit noong Enero 3 sa kasong isinampa ni Kris at ibunyag na gusto daw siyang ipapatay ng Queen of All Media.

Ang taong tumutulong daw ngayon kay Falcis ay PR ng kilalang personalidad sa bansa.

Itong kilalang personalidad ay siyang asawa naman ng isa sa tumatakbong senador.

Usap-usapan daw ngayon na galit ang mga dila­wan sa senatoriable dahil parang may kinalaman ito sa demolition job sa nakababatang kapatid ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Hindi pa pumipiyok si Mr. Senatoriable sa pagdawit ng kanyang pangalan sa labanang Kris-Falcis.

At hindi pa rin nagsasalita si Kris kung may katotohanan ang kumakalat na tsismis tungkol sa koneksyon ng misis ng senatoriable kay Falcis.

Pintahan n’yo na. Ang senatoriable na nadawit sa banggaang Kris-Falcis ay hilig mamundok. May letrang M sa kanyang pangalan, as in Marangal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy