Una sa Balita

Senatoriable nakakaantok magtalumpati

0 748

Magaling na abogado itong isang kandidato sa pagka-senador at marami na ring ipinanalong kaso.

Pero pagdating sa talumpati, walang kalatoy-latoy kung magdeliver ito ng linya sa mga botante.

Kung seseryosohin mo kasi ang pakikinig sa speech ng senatoriable, aantukin ka lang dito dahil kulang na kulang sa palabok para magpasigla ng crowd.

Kakailanganin mo ngang magtimpla ng kape oras na magtalumpati ang kandidato upang laba­nan ang paghikab.

Maging sa pakikipag-usap sa mga lokal na lider,­ kulang sa energy ang mokong kaya’t nababanas lang sa kanya ang mga taong kausap.

Mabuti pa raw ang dalawa nitong staff na parang mayor kung pumorma, aba’y sakay na sakay ang mga bisita sa boladas ng dalawa.

Dahil pumatok, nabigyan ng magandang papel ang dalawang staff pero isa dito ang sumobra sa kayabangan at pagpapayaman.

Pintahan niyo na. Ang senatoriable na walang kalatoy-latoy kung magtalumpati ay dating natalo­ sa kanilang bayan. May letrang T sa kanyang apel­yido as in Tamang tulog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy