Una sa Balita

Senatoriable nagwala sa boom boom dance

By
0 733

Sa paghahangad na makapagpalapad ng baba, eheste papel sa publiko, ginagawa daw ng isang senatoriable ang lahat kahit maging katawa-tawa sa publiko.

Katulad na lamang sa isang public engagement kung saan hinamon siyang umindak sa ‘Boom-boom’ dance ng Momoland, pero imbes na gayahin niya ang ginawa ng mga K-pop star ay nagmukha siyang lolang go-go dancer.

Imbes na mag-init ang mga tao sa boom-boom dance ng senatoriable, halos masuka daw sila sa napanood, aba’y hindi kasi nila ma-imagine na ginagawa ito ng isang senior citizen.

Desperado na kasi ang senatoriable dahil tagilid siya sa survey, as in malaki ang posibilidad na magtapon lang siya ng pera sa halalan pero hindi makakaupo sa Senado.

Pintahan n’yo na. Ang senatoriable na inutong magsayaw ng boom-boom dance ay galing sa isang mala­yong lalawigan ng Luzon. May letrang M sa kanyang pangalan, as in Momo.