Una sa Balita

Senatoriable nagpanik sa SWS survey

0 1,016

NAGPANIK daw ang isang kandidato sa pagka-senador matapos mapasama ito sa listahan ng posibleng matalo sa darating na halalan.

Sa report na natisod ni Mang Teban, agad na pinakilos daw ng senatoriable ang nagpayaman este mayaman niyang staff upang mag-imbestiga kung sino ang nagpagawa ng nasabing survey.

Tila gusto pang awayin ng staff ang isang pinagtanungan niya tungkol sa SWS survey.

Eh lumabas na totoo pala ang survey dahil ipinakomisyon ito ng isang staff ng senatorial candidate subalit ipinakalat ng kandidatong mahilig magpapiktyur.

Suba­lit hindi matanggap ng senatorial candidate gayondin ng mayabang niyang staff ang resulta ng survey, eh paano naman kasi ay magiging tambay sila pagdating ng Hulyo kapag hindi nagbago ang rating at matalo sila sa halalan.
Pintahan n’yo na: Ang senatoriable na nagpanik sa resulta ng survey ay may letrang ‘T’ sa kanyang apelyido as in Telebabad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy