Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senatoriable nag-ala Winnie the Pooh sa kampanya

0 229

Sino raw itong senatorial candidate ang agaw-pansin sa proclamation rally ng kanyang sinalihang partido matapos lumuwa ang mapintog na tiyan at pusod habang nasa entablado?

Kuwento ng ilang Marites kay Mang Teban, imbes na 4XL kasi ang suot na pang-taas, sakto lang ang sinuot nito kaya hindi kinayang takpan ang tiyan nang itaas nito ang kamay matapos banggitin ng kapartido ang kanyang pangalan.

Malusog kasi itong senatoriable at hindi tumatalab sa kanya ang mga itinuturo ng kanyang trainer sa gym kahit pa araw-arawin ang pag-eehersisyo. Magana rin kasing kumain itong si senatoriable at kahit mga bawal ay nilalantakan pa rin nito.

Katwiran nitong senatoriable, babawiin daw niya ang nilamon sa paggi-gym na hindi naman umeepekto sa kanya dahil imbes na lumaki ang braso ay tiyan ang lumobo.

Kaya naman noong umakyat itong senatoriable sa entablado sa kanilang proclamation rally ay kapansin-pansin ang pagiging busog-lusog nito na may kasamang konting hingal.

Nagmistulang si Winnie the Pooh daw tuloy ang senatoriable, kulang na lang ay magsuot ito ng kulay pulang t-shirt.

Pintahan n’yo na. Ang kandidatong nag-ala Winnie the Pooh ay kilalang madaldal, palaban pero magaling sa batas kaya siya isinali sa partido.

Leave A Reply

Your email address will not be published.