Una sa Balita

Senatoriable may alagang basher

0 408

Sino daw itong kandidato sa pagka-senador ang may inaalagaang basher?

Natuklasan ito ni Mang Teban nang hantingin ng isang maimpluwensiyang negosyante ang basher sa social media.

Kahit nagtago sa ibang pangalan, natunton ng bigating negosyante na nagtatrabaho pala sa senatoriable ang basher.

Nabisto din nito ang mga larawan na magkasama ang senatoriable at ang basher.

Bukod dito, may mga nakapagsabi din sa negosyante na sumusuweldo ang basher sa opisina ng senatoriable sa Metro Manila.

Sinubukan daw ng negosyante na komprontahin ang senatoriable subalit todo tanggi ito na may inaalagaan siyang basher.

Pintahan niyo na. Ang senatoriable na nag-aalaga ng basher sa social media ay kilalang mahilig sa motorsiklo. May letrang E sa kanyang pangalan as in Ewan kung mananalo siya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy