Una sa Balita

Senatoriable doble-kara sa kapartido

0 580

SINO daw itong kandidato sa pagka-senador ang laging nakangiti sa mga kasamahan sa slate pero kapag nakatalikod ay abot hanggang lupa kung sumimangot?

Ganito raw kaplastik makisama ang sena­toriable sa kasamang kandidato dahil hindi niya ipapakita ang pagkabanas sa kagalit.

Minsan, nangampanya daw ang partido sa balwarte ng senatoriable kaya’t nagsamahan din ang mga kasamahan nito.
Sa kanilang rally, ipinakilala ng senatoriable sa kanyang kababayan ang mga kasamahan sa partido.

Pero nang matapos ang rally, natuklasan ni Mang Teban na sinabihan ng senatoria­ble ang mga lokal na opisyal na ilaglag ang isang kasamang kandidato dahil sa nakaraang atraso nito.

Hindi raw malimutan ng senatoriable ang atraso na may ilang taon nang naganap kaya’t ngayon naman siya maniningil dito.

Pintahan niyo na. Ang senatoriable na doble-kara at naglaglag ng kasama sa partido ay mahilig mameke. May letrang M sa kanyang pangalan as in Madatung.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy