Una sa Balita

Senatoriable ‘di bumenta ang patawa

By
0 747

GRABE na raw sa panggagamit itong isang senatoriable para tiyak na makuha ang kiliti ng masa.

Ang matindi raw kasi at hindi maintindihan ng marami ay bakit kaila­ngan pang gamitin ng ating bida ang alaala ng mga yumaong kilalang persona­lidad sa showbiz industry.

Sa pilit daw nitong pagpapanggap na maging komedyante, isinalaysay ni Mr. senatoriable ang pagnanais ng isa nitong kaibigan na kilala ring artista na gawan ng pelikula ang ilang mga kilalang personalidad.

Ilang ulit nitong binabanggit si action king Fernando Poe Jr. gayundin ang action star na si Rudy Fernandez.

Hindi raw matatawaran ang galing ng mga action star na ito at karapat-dapat naman daw na kilalanin subalit hindi aniya siya pabor na gawan pa ng pelikula ang kanilang buhay.

Ang highlight ng kanyang litanya hinggil dito ay ang payo niya sa kaibigang action star na huwag nang tangkain pang ga­wing pelikula ang buhay nila dahil baka siya naman ang sumunod sa mga ito sa kabilang buhay.

Marami ang nagtatanong kung wala na raw bang maisip na ibang gimik ang senatoriable at pati alaala ng mga yumao ay ginagamit.

Pintahan niyo na. Ang ating bida ay may letrang B sa kanyang pangalan as in Bad boy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy