Una sa Balita

Senatoriable choosy sa media

0 475

SINO raw itong kandidato sa pagka-senador ang namimili ng media na maaaring makapagtanong sa kanya?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na inokray daw ng senatoriable ang isang provincial reporter dahil sa hindi naman daw lumalabas ang kanyang statement, bagkus ay puros banat lang ang inaabot niya.

Actually, hindi pa raw nagtatanong ang reporter dahil nag-introduce pa lang ito kung saan ito nagtatrabaho pero umasim agad ang mukha ng senatoriable at tinara­yan ang mamamahayag.

Kahit anong paliwanag ng mamamahayag, dinedma na ito ng kandidato as in humaba na naman ang kanyang baba sa pagkainis.

Kilala ang kandidato na pikon lalo na kung matatanong tungkol sa nakaraan ng kanyang pamilya at ng kanyang kapatid.

Pintayan niyo na. Ang senatoriable na choosy sa media ay iisa lang ang hairstyle. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mahadera.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy