Una sa Balita

Senator John McCain, pumanaw na

By
0 308

NEW YORK — Nag­luluksa ngayon ang ­Amerika sa pagpanaw ni US Republican at Arizona Senator John McCain sa edad na walumpu’t isa.

Isa si McCain sa mga mambabatas dito sa Amerika na sumuporta sa mga panukalang batas na nakatulong sa Pilipinas.

Kabilang dito ang Industries Act para sa US textile and Philippine apparel industries.

Panahon ni da­ting Pangulong Benigno Aquino III nang bumi­sita si McCain sa Pilipinas para pag-usapan ang pagpapalakas ng defense and security treaty ng Pilipinas at Amerika.

Graduate ng US Naval Academy si McCain, kabilang siya sa mga sundalong nakipaglaban noong Vietnam War mula 1967 hanggang 1973 kung saan limang taon siyang naging pri­soner of war.

Naging congressman at senador ng Arizona at dalawang beses naging presidential candidate ng Republican Party si McCain pero natalo ito.

Matagal nang sumasailalim sa gamutan si McCain dahil sa iba’t ibang sakit.

Ilang araw bago ang kanyang pagpanaw, ipi­natigil na ng kanyang pamilya ang medical treatment sa kanya.