Una sa Balita

Senate probe sa provincial bus ban sa EDSA inisnab ng MMDA chief

0 298

KINASTIGO ni Senadora Grace Poe si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig ng Senado hinggil sa provincial bus ban sa EDSA.

“Ako’y medyo nalulungkot na ang chairman ninyo ay hindi dumalo samantalang sinabi niya, dadalo siya,” pahayag ni Poe, chair ng Senate public services committee sa umpisa ng pagdinig kahapon.

Duda tuloy ni Poe, ayaw pahalagahan ng MMDA chief ang daang libong mga pasaherong na naapek­tuhan ng traffic scheme ng ahensiya.

“Nais kong marinig bakit wala siya rito, hindi ba niya pinapahalagahan ang pagdinig na ito? O hindi niya pinapahalagahan ang mga pasaherong apektado dito?” tanong ni Poe.

Pero giit ni MMDA General Manager Jojo Garcia, dumalo umano sa memorandum og agreement (MOA) signing si Lim kaya hindi nakapunta sa pagdinig ng Senado.

Inusisa ni Poe si Garcia kung ano ang MOA signin­g na dinaluhan ni Lim subalit walang maisa­got ang MMDA general manager. Doon na napikon ang senadora.

“Alam mo, teka muna, ang MOA signing parang ceremonial na lang ‘yan, ano ba naman ‘yung pirmahan nila ng limang minuto at pumunta dito?” punto ng senadora.

Inaasahan naman ng senadora na dadalo na susunod na pagdinig si Lim at makapagpaliwanag na din ito ng hindi niya pagdalo sa naturang ta­lakayan. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy