Una sa Balita

Senate probe ikakasa sa PCA corruption

0 71

Aalamin ng Senate Blue Ribbon Committee ang katotohanan sa umano’y multi-milyong pisong c­orruption sa Philippine Coconut Authority (PCA).

Inihain ni Sen. Francis Pangilinan ang Se­nate Resolution No. 338 upang alamin ang katotohanan sa naging alegasyon ni C­abinet Secretary Leoncio Evasco Jr. na nangikil si PCA Administrator Avelino Andal kung kaya’t sinuspinde siya sa trabaho.

Sa inisyung suspension order ni Evasco, nangikil daw si Andal ng P 1.50 per board foot ng mapuputol na puno sa Basilan, Mindoro, Marinduque at Quezon at karagdagang fees sa transport permits.

Sa Basilan lamang, u­mabot umano sa P90 m­ilyon ang nakolekta sa mga pinutol na puno.

Ito rin ang ­pa­gkakataon ni Pangilinan na makompronta si Andal matapos itong mag-akusa na kagagawan ng mga “dilawan” o Liberal Party (LP) ang isyung ipinupukol sa kanya ngayon upang masiraan ang administrasyong Duterte.

“Blaming the Lib­eral Party for their own internal conflict con­cerning serious accusations of corruption has become the easy recourse of top government officials,” diin ni Pangilinan, dating Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization (PAFSAM).

Itinuturo ni Andal si Cabinet Undersecretary Halmen Valdez na siyang trumabaho sa paninira sa kanya dahil naging empleyado daw ito ni Pa­ngilinan sa PAFSAM.

Nilinaw naman ni Pa­ngilinan na hindi niya ­naging empleyado si V­aldez dahil nagsimula itong magtrabaho sa PAFSAM ilang buwan matapos na nagresign siya noong Setyembre 30, 2015.­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy