Una sa Balita

Senador tulala sa junket

By
0 1,245

Sa tuwing mangi­ngibang-bansa ang isang senador, palagi siyang tulala at wala sa kanyang sarili.

Kaya naman ang kasama niyang bebot sa abroad, naaasiwa sa ikinikilos ng senador dahil nagbabagong anyo ito kapag nasa labas ng bansa.

Sa natisod na impormasyon ng petmalung si Mang Teban, ipino-post pa raw sa facebook ng bebot ang kakaibang kilos ng senador sa abroad.

Hindi tuloy malaman ng babae kung tuliro ang senador sa kanyang babayaran gayung 90 percent ng gastos nila ay dinukot sa pondo ng bayan.

Ang mahal daw ng ngiti ng senador kapag kasama ang kanyang bebot sa abroad, halatang hindi enjoy sa junket kundi ang akay na babae lang ang nagsasaya.

Tanging katwiran lang ng senador kung bakit malungkot siya kapag nasa abroad, marami daw kasing naiwan na trabaho sa Senado.

Kilalang kilala ang senador na ito lalo na sa marunong magsalita ng bisaya at may letrang L sa kanyang apelyido as in Lutang.