Una sa Balita

Senador Tolentino, pangulo ng Kickboxing

0 239

ISA pang kasalukuyang senador ng Pilipinas ang nailuklok bilang pangulo­ ng isang national­ sports association na Samahang­ Kickboxing sa Pilipinas (SKP) matapos na maihalal sa puwesto si Francis ‘Tol’ Tolentino.

Nakamit ni Senador Tolentino ang pagiging pangulo ng SKP mula sa mas nakakabatang kapatid na si Abraham ‘Bambol’ Tolentino tatlong linggo na ang nakalilipas sa isinagawang national try-out ng asosasyon sa Tagaytay City para sa pagpili ng mga pambansang manlalaro na sasabak sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games.

Si Tolentino ang ikalawang kasalukuyang senador na mamumuno sa isang national sports association (NSA) kasunod ng una sa kasaysayan na humawak ng pinakamataas na puwesto sa isang orga­nisasyon sa sports na si Juan Miguel Zubiri na nahalal bilang pangulo ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation or PEKAF nakaraang taon. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy