Una sa Balita

Senador tirador ng tinapay

0 1,312

Sa sobrang pagtitipid, nakikigamit daw ng ibang opisina ang isang miyembro ng Senado kapag may kinakausap siyang bisita.

Nalaman ni Mang Teban na imbes na dalhin sa Senate Lounge upang doon kausapin ang mga bisita, dinadala niya ito sa opisina ng kabarkadang senador.

Ang masaklap nito, matapos ang miting ng senador sa mga bisita, ubos ang tinapay at brewed coffee sa opisina ng kabarkadang senador.

Pintahan niyo na. Ang senador na mahilig makikain sa ibang opisina ay kilalang Macho. May letrang O sa kanyang pangalan as in Oreo.