Una sa Balita

Senador sinosolo ang elevator

0 602

May pagka-selfish itong isang miyembro ng Upper House dahil pati ba naman pagsakay sa elevator ay gusto niyang solohin.
Ayon sa impormante ni Mang Teban, noong bago pa lamang sa Senado ang mambabatas na ito, sa tuwing sasakay ito sa elevator sa ground floor, hahawiin ng kanyang mga alalay ang mga tao na gustong sumakay sa naturang elevator.
Katuwiran ng mga alipo­res ng mambabatas na ito, exclusive lang daw ang ele­vator na iyon para sa mga senador kaya pinalipat nito ang ilang mga tao – bisita at mga staff ng ibang senador – sa ibang elevator.
Sinita pa ng mga staff ng senador na ito ang ele­vator girl subalit paliwanag ng huli hindi lang ang senador ang puwedeng sumakay doon kundi ma­ging ang iba pang staff ng iba pang mambabatas.
Napahiya tuloy ang mga staff ng baguhang mambabatas sa elevator girl lalo na’t pinakita nito ang nakapaskil na mensahe kung saan nakasaad doon na ang nasabing elevator ay exclusive para sa mga senador at mga staff nito. Sino siya?
Pintahan niyo na. Baguhan lang ang mambabatas na ito kaya nangangapa sa bawat sulok ng Senado. May letrang S ito sa kanyang pangalan as in gustong mag-solo sa ­elevator si Sir.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy