Una sa Balita

Senador sa mga economic manager: Makinig naman kayo

By
0 574

HINIMOK ni Senador Kiko Pangilinan ang mga economic manager na makinig at sundin ang mga inilalatag sa kanilang suhestiyon upang maibsan ang paghihirap ng taumbayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sinabi ni Pangilinan na nananatili sa 6.7% ang inflation rate sa kabila ng pagtaya ng Bangko Sentral at Department of Finance na bababa ito sa 6.5%.

Nakaaalarma na aniya na ang presyo ng bigas ay tumaas pa sa 10.7% noong Oktubre kumpara sa 10.4% sa sinundang buwan.

Ilang ulit na anyang nangako ang economic team na gagawan ng paraan na maibaba ang pres­yo ng mga bilihin subalit hanggang ngayon aniya ay wala pang nakikitang malinaw na aksiyon.

“But the increasing prices of goods has been the country’s problem for more than two months. And yet until now, we haven’t seen any concrete action by the government to directly address this problem,” diin ni Pangilinan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy