Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senador pinapahamak ng mga staff

0 151

Mukhang hindi natutukan ng isang lady senator ang gawa ng kanyang mga staff, lalo na ang miyembro ng kanyang media and communications team.

Marami na kasing nakapuna na sablay ang pagkakagawa ng press release na ipinamamahagi nila sa media. Mukhang hindi na raw sinasala mabuti ng kanilang head.

Sa lead paragraph pa lang ng PR ay makikitang mali-mali na ang grammar, lalo na raw sa tagalog version nito na talagang hindi maintindihan. Sakit sa ulo!

Sa mga sumunod na paragraph naman, makikita ang mga typographical error. Mali rin ang paggamit ng punctuation marks. Halatang hindi in-edit dahil sandamakmak ang maling spelling.

Makikita rin bahagi ng PR na nakalimutang tanggalin ang word na “the senator said” gayong tagalog naman ang PR. Nakakapagtakang hindi ini-edit mabuti ang PR gayong wala namang mas­yadong ginagawa ang head ng media and communication ng senadorang ito.

Bihira nga raw sa isang buwan kung gumawa sila ng PR tapos palpak pa!

Clue: Ang lady solon na sablay ang PR ay masungit sa kanyang mga staff. May letrang L ito sa kanyang apelyido, as in lagot kay mam.

Leave A Reply

Your email address will not be published.