Una sa Balita

Senador ngarag sa fake news

By
0 1,197

Sino daw itong miyembro ng Senado ang mistulang nagi­ging praning sa takot na mabiktima umano ng ‘fake news?’

Base sa natisod na impormasyon ng petmalung si Mang Teban, inokray daw ng senador na ito ang isang mamamahayag matapos sabihan na ang balitang lalabas sa kanilang television network ay may kakabit na video footage.

Para daw masigurong hindi inimbento ang balita, kailangang may ebidensiya na talagang sinabi niya ito.

Hindi nga mawari kung takot lang ang senador sa mga nag­lipanang fake news o gusto lang nitong makapanggulang dahil lalabas ang kanyang mukha sa ba­lita na hindi man lang naglalagay ng political ads.

Wala nga raw kumibo sa demand ng senador na lately ay marami ang nakakapansin dahil tila ni­reregla ito sa init ng ulo tulad ng kaba­baihan.

Kamakailan lang ay kinompronta ng senador ang isang reporter sa paglabas ng balita na kino-quote ang kanyang pangalan.

Hindi raw kasi matandaan ng senador na ininterview siya sa nasabing isyu pero naglabas ng re­sibo o ebidensiya ang mamamahayag na talagang sinabi ito ng senador.

Natameme lang ang senador at tila hindi matanggap na nasopla siya sa kanyang katarayan.
Ang senador na ito ay binuwenas lang sa politika subalit hindi na marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sa pagkakahalal niya. May letrang P sa kanyang pangalan as in Pogi daw siya sabi ng karelasyon.