Una sa Balita

Senador nagregalo ng pampatigas

By
0 55

Sa dinami-dami ng maaaring iregalo, inumin na pampatigas daw ng ari ang iniregalo ng isang senador sa ilang kalalakihan sa Senado.

Sa nasagap na impormasyon ni Agent 0010, namudmod daw ng kape ang senador na ito sa ilang kalalakihan sa Senado bilang regalo sa mga nagdiwang ng kaarawan at sa kapaskuhan.

Wala nga daw munang pumansin sa regalong kape ng senador pero may nakapagbulong na kapag ginamit ito, parang nakainom ka na rin ng Viagra.

Nabatid na ang pampatigas ay maa­aring binili daw sa staff ng senador dahil may asawa itong konektado sa marketin­g ng wonder coffee.

Ang classic nito, ilang kababaihan din ang nabigyan ng Viagra­ coffee ng senador kung kaya’t ipinabalik nila ito sa nagbigay habang ang iba ay ipinasa na lamang sa kalalakihan.

Ang big revelation dito, mukhang hindi naman nag-enjoy ang mga kalalakihan sa tinirang Viagra coffee­ as in hindi pangmatagalan katulad ng Motolite battery.

Eh paano naman kasi, hindi man lang nangahalati ang kahon na pinaglalagyan ng kape, ibig sabihin ay hindi bumenta ang sinasabing pampatigas na regalo ng senador.

Kilalang-kilala ang senador na ito, lalo na ngayong parang nagmumurang kamatis siya.

May letrang P sa kanyang pangalan as in Pampatigas.