Una sa Balita

Senador nagregalo ng dalawang tuna

By
0 502

Sino daw itong senador ang nagregalo ng dalawang malaking tuna upang magsilbing handa sa isang Christmas party kamakailan?

Talbog nga daw ang ipinaradang litson sa handaan nang isalang sa mesa ang dalawang malaking yellow fin tuna.

Hindi man dumating ang senador sa nasabing Christmas party, sapat na ang ipinadala nitong malaking tuna upang pasayahin ang mga taong nagdiriwang sa okasyon.

Eh paano ba naman kasi, ang isang malaking tuna ay nagkakahalaga na yata ng apat na litson.

Sa impormasyong nakalap ng petmalung si Mang Teban, patok daw ang regalong tuna ng senador dahil sa mabilis itong naubos sa dami ng mahihilig sa sashimi.

Kumbaga, tinik na lang ang natira sa higanteng isda habang ang ulo ay naging take-out para gawing sinigang at ang panga ay ginawang sinugba o inihaw.

Hindi man kalakihan ang donasyong raffle ng senador, marami naman daw ang nasiyahan sa regalong malaking tuna ng mambabatas sa nasabing okasyon.

Kilalang-kilala ang senador na ito na isa sa nagbabakasyon sa abroad ngayon at may letrang M sa kanyang pangalan as in Ma­pera. (Boyet Jadulco)