Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senador na nagsulong ng press freedom

0 144

Alam niyo ba na noong Abril 18, 1877 pinanganak sa Cebu City si dating Senador Vicente Yap Sotto.

Kabilang sa kanyang pinaglaban ang paglaya ng mga Pilipino sa Estados Unidos.

Siya ang nagtatag ng ‘La Justicia’, ang unang Pilipinong pahayagan sa Cebu, noong 1899, pero pinatigil ito ng US military dahil sa pagkampanya nito sa Republika ng Pilipinas. Siya rin ang nag-akda ng Press Freedom Law.

***

Matatagpuan ang pinakamalaking parke sa labas ng bansa para sa bayaning si Dr. Jose Rizal sa China. Ginawa ito bilang pagkilala kay Rizal na ang great-great grandfather ay isang Chinese na si Domingo Lamco. Matatagpuan ang monument ni Rizal sa People’s Cultural Plaza sa Qiongque Village ng Jinjiang City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.