Una sa Balita

Senador ayaw magpatulog sa panis na balita

By
0 976

Sino daw itong senador na alanganing oras na kung magpadala ng kanyang statement?

Sa ibinatong impormasyon sa petmalung si Mang Teban, madalas daw magpadala ng statement ang senador kung kailan sarado na ang tindahan eheste ang mga dyaryo.

Eh paano ba naman kasi, kapag nagpadala ng statement ang senador ay halos alas-nuebe na ng gabi at kung minsan ay nasa higaan ka na at matutulog na sana.

Abante Hiring – IT dep

Hindi naman kagimbal-gimbal ang statement na ipinapadala ng senador kundi pangkaraniwan lamang at kung minsan ay tungkol sa mga panukalang batas.

Mabuti sana kung embargo para kinabukasan, pero ang petsa ng statement ng senador ay sa mismong araw na ipinadala nito sa mga mamamaha­yag.

Ang resulta tuloy, itinatapon na lang ang statement ng senador dahil panis na ang kanyang balita kung kinabukasan pa ito gagamitin.

Kilalang-kilala ang senador na mainitin ang ulo as in pala­ging tinotoyo kung kaya minsan ay nagi­ging complica­ted ang status at may letrang ‘P’ sa kanyang pangalan as in Patis na sawsawan.