Una sa Balita

Senador astang DOLE secretary

By
0 34

Sino daw itong mi­yembro ng Senado ang umaastang parang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE)?

Eh paano ba naman kasi, marami daw kasi itong ipinapasok na tao para magtrabaho sa Senado.

Kumbaga, para siyang employment agency o kalihim ng DOLE na kayang magbigay ng trabaho sa mga taong tambay lang sa kanilang bahay.

Ang kaibahan lang sa senador na ito, ayon sa petmalung impormante na si Mang Teban, mga KKK o kaibigan, ka­klase o kapitbahay lang ang nabibigyan nito ng trabaho.

In short, kung hindi ka kilala ng senador ay huwag ka nang magtangka na magpatulong na makakuha ng trabaho dahil siguradong dadaganan eheste tatablahin ka lang nito.

Siyempre nga naman, ikakatuwiran ng senador na kapag pumalpak ang taong rekomendado niya ay siya rin ang masisira sa employer.

Nagkaroon na raw ng phobia itong senador sa nangyari sa dati niyang tinulungan para mabigyan ng trabaho subalit natuklasan na nakabili lang pala ng diploma sa Recto.

Bawat kapalpakan at kontrobersiya ng ‘bata’ niya, nakaladkad din ang pangalan ng senador dahil open secret naman na kaya na­bigyan ng puwesto ang matabil na direktor ay dahil sa bigatin niyang backer.

Ang classic sa senador na ito, bago pa man ianunsiyo na may bakanteng trabaho sa isang tanggapan, nairekomenda na ng senador ang kanyang mga bata dahil sa inside information.

Kilalang-kilala ang senador na ito lalo na ngayong panay ang kanyang salag. May letrang ‘N’ sa kanyang pangalan as in No vacancy.