Senado umalma sa ‘no free college’

By

Pumalag ang mga senador sa rekomendasyon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diok­no na huwag isabatas ang panukalang libreng pag-aaral sa state universities and colleges (SUCs) dahil sa hindi umano kakayanin ng gobyerno ang P100 bil­yong gastos rito.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, chairman ng Senate committee on education, arts and culture, hindi totoo ang babala ni Diokno na aabot sa P100 bilyon ang magiging gastos ng gobyerno rito dahil nasa P20 bilyon lang ang gagastusin kapag ginawang libre ang pagbabayad ng tuition sa SUCs, gayundin sa local universities and colleges (LUCs) at sa mga vocational schools ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara na kung ive-veto ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang panukala, ire-refile niya uli ito upang tanging ang mag-aaral lamang sa SUCs ang maging libre sa pag-aaral. 

SHARE