Una sa Balita

Senado ‘offline’ sa BPI glitch

By
0 3

Nagmistulang ‘off­line’ ­muna ang ­Senado sa dinanas na ‘system glitch’ ng Bank of the Philippine Islands (BPI) noong nakaraang linggo.

Nagdesisyon si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero, chairman ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies na hintayin muna ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng BPI at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bago simulan ang imbestigasyon sa sinasabing system glitch ng BPI.

Katuwiran ni Escudero, kailangang maging maingat ang Senado sa pag-imbestiga sa naturang insidente dahil posibleng mabulabog ang banking industry lalo pa’t hindi pi­pitsuging bangko ang BPI.

“Without sacrificing the truth and transparency, we should also be careful about the effects an investigation may have on the banking industry as a whole especially given the fact that BPI is the third lar­gest bank in the country,” paliwanag ng senador.

Noong Hunyo 7, nabu­labog ang mga kliyente ng BPI matapos makaranas ng ‘dagdag-bawas’ sa kanilang bank account.

Binaha ng reklamo ang nasabing bangko, matapos mabawasan ang pera ang mga kliyente kahit ­hindi sila nag-withdraw, habang ang iba ay nagtataka kung bakit nadagdagan ang kanilang pera kahit hindi sila nagdeposito.