Una sa Balita

Senado malamig sa SOGIE

0 353

Nagpahiwatig na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mahihirapang makalusot sa Senado ang panukalang Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression (SOGIE).

Ayon kay Sotto, sa kanyang pagtataya ay posibleng may pag-asa pang makapasa sa Senado ang panukalang anti-discrimination bill kesa sa SOGIE na itinutulak ni Senadora Risa Hontiveros.

“Anti-discrimination on persons­ puwede pero focused on gays which the Sogie bill is and religious academic freedom impeded plus smuggling of same sex marriage? No chance!” ani Sotto sa kanyang viber message sa mga reporter.

Hindi na sumagot si Sotto nang tanuningin ang bilang ng mga senador na pumapabor sa comprehensive anti-discrimination bill na inihain ni Senador Sonny Angara at sa SOGIE Bill.

Sa ilalim ng Senate Bill 137 ni Angara, nais nitong palawakin ang parusa sa anumang uri ng diskriminasyon na nangyayari sa lipunan.

Ipinagbabawal na ang anumang uri ng diskriminasyon sa isang tao base sa kanyang edad, lahi, relihiyon, political inclination, social class, gender at iba pa.

Sabi ni Angara, anumang uri ng diskriminasyon ay banta sa social stability at economic progress dahil binabalewala nito ang karapatan sa pantay na pagtrato na isa sa mga nakapaloob sa Saligang Batas.

Sa ilalim naman ng SOGIE Equality Act papatawan ng parusa sa diskriminasyon sa mga miyembro ng lesbian, gay, ­bisexual and transgender (LGBT) commu­nity.
Oras na maisabatas, makakasuhan at maari nang makulong ang mga magpapairal ng diskri­minasyon base sa sexual orientation and gender identity or expression (SOGIE). (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy