Una sa Balita

Senado mag-iimbestiga sa BPI at BDO issue

0 18

Naalarma na rin si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ukol sa umano’y pagkakakompromiso naman ng automated teller machines (ATM) ng BDO Unibank Inc.

Kaalinsunod na rin sa reklamong natanggap ng BDO, mula sa kanilang kliyente ukol sa mga unauthorized tran­saction mula sa kanilang accounts.

Noong nakaraang linggo nagkaroon ng system glitch ang Bank of the Philippine Islands (BPI) dahilan upang mapilitan ito na i-deactivate ang kanilang online services at ATMs.

Ayon kay Pimentel, nakakaalarma na ang ganitong mga ulat dahil noong nakaraang linggo ay ang BPI ang nagkaproblema at ngayon naman ay ang BDO.

“There is something going on in the banking sector, which is not good,” ayon sa senador.

“BPI, BDO plus the news of the recent arrests of foreigners tampering with our ATMs should be sufficient impulse and justification for us to hear and investigate this matter,” ayon kay Pimentel

Si Pimentel ang naghain ng resolusyon na humihiling sa Senate committee on banks na imbestigahan ang natu­rang usapin.

BDO ADVISORY

Naglabas naman kahapon ng abiso ang BDO kaugnay sa mga ulat na nakompromiso ang kanilang ATMs.

“BDO has obtained reports of potentially compromised ATMs following reported losses from cardholders. Customers with unauthorized transactions may reach out to the bank via formal channels so that their cases may be properly investigated and, where confirmed as impacted, may be reimbursed. BDO would like to reassure the public that it exerts all efforts to protect its cardholders and their transactions.

BDO reassures the public that there is no cause for alarm. ATMs are compromised every now and then, with skimming being the most common form. To protect our customers, we (banks) take the precautionary measure of proactively disabling the cards if we have reason to believe they may have been compromised. In the meantime, customers whose cards have been disabled can transact over the counter at our branches anytime.”