Una sa Balita

Senado kasado sa huling hirit sa endo bill

0 194

UMAASA si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na maihahabol pa ngayong 17th Congress ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 1826, o ang Security of Tenure and End of Endo Act.

Sa muling pagbubukas ng sesyon sa Mayo ay ipagpapatuloy ang deliberasyon ng panukala sa plenaryo. Target din na maaprubahan ito bago ang ‘sine die’ adjournment ng Kongreso sa nalalapit na Hunyo 7.

“I hope so. Best effort,” ayon kay Sotto.

Tiniyak naman ni Senador Joel J. Villanueva, chair ng Senate committee on labor, employment and human resources development, na magtutulong-tulong ang senado at kamara para lamang maipasa ang panukalang higit na mapakikinabangan ng manggagawang Pilipino.

Ayon kay Villanueva, plantsado na ang iskedyul ng panukala para maaprubahan ng bicam tatlong linggo bago ang adjournment ng Kongreso.

“Once we resume session in May, the period of amendments on the SoT (Security of Tenure) bill will commence. We remain committed to push for its passage to finally give stronger protection to our laborers,” aniya.

“I am certain that my colleagues in the Senate are equally willing and ready to work with us in pushing for a genuine reform for workers’ rights,” sabi pa ni Villanueva.

Layon ng panukala na amyendahan ang Presidential Decree No. 442, o ang Labor Code of the Philippines para pagbawalan ang labor-only contracting. (Anne Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy