Una sa Balita

Senado inaprub ang matik PhilHealth coverage sa mga PWD

By
0 687

INAPRUBAHAN na ng Senado sa 3rd and final rea­ding ang panukala para sa mandatory PhilHealth co­verage ng mga Persons With Disability (PWD).

Sa pag-apruba sa Senate Bill 1391 o Mandatory­ PhilHealth coverage, inaamyendahan ang Republic Act 7277 o Magna Carta for Disabled Persons para sa automatic enrolment at cove­rage ng mga PWD sa National Health Insurance Program.

Lumusot ang panukala na in-introduce nina Se­nate President Pro-Tempore Ralph Recto at Senators Loren Legarda, Paolo Benigno Aquino IV, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, Leila de Lima, Joseph Victor Ejercito, Sherwin Gatchalian, Cynthia Villar, Juan Edgardo Angara at Panfilo Lacson sa botong 18-0.

Sa ilalim ng panukala, ang premiu­m contributions ng lahat ng PWD na walang trabaho ay babayaran ng national government habang ang premium­ contributions ng mga employed sa formal economy ay paghahatian ng mga employer at national government.

Alinsunod pa sa panukala, ang pondo para sa insurance premium ng PWD ay kukunin mula sa sin tax revenues.