Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senado: Duterte sundin sa tanggal face shield

0 47

Iginiit ni Senate President Tito Sotto na dapat sumunod ang mga opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nauna nitong desisyon na huwag nang magsout ng face shield sa mga pampublikong lugar maliban sa ospital.

“Ako kasi ang pana­naw natin kapag sinabi ng Pangulo at may basis siya dapat susunod na ang kanyang opisyal, sa ibang bansa walang nagma-mandate ng face shield,” pahayag ni Sotto sa panayam kahapon.

Sinabi rin ni Sotto na may commitment na ang Pangulo sa Senado hinggil sa limitadong lugar ng paggagamitan ng face shield.

“Sabi niya I will tell DOH (Department of Health), ‘yon ang sabi niya, ‘yon ang ending niya dahil sa buong mundo tayo lang nagma-mandate ng face shield,” dagdag nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.