Una sa Balita

Senado duda sa taga-salo ng e-powers ni PDigong

By
0 3
grace-poe
             Sen. GRACE POE

Duda ang Senado sa posibleng pagkakatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa igagawad na emergency powers sakaling tuluyan na itong makapasa sa Kongreso.

Ito ang pahayag ni Senador Grace Poe, chair ng Senate Committee on Public Services at na­ngunguna sa pagtalakay ng panukala sa emergency power.

Dapat aniyang siguraduhin kung sino ang pagkakatiwalaan ng Pa­ngulo (Rodrigo Duterte) na mamumuno sa inis­yatibong ito dahil baka kung sinu-sino lang ang magpapairal.

“Dapat siguraduhin kung siya ang mamamahala eh kung hiwalay naman sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) baka kaparehong problema din,” giit ng Senadora.

Pinaalalahanan din ni Poe na kailangang malinaw ang mga probisyon ng e-powers.

“…the devil is in the detail kaya kailangang ang probisyon ay malinaw, may hangganan,” dagdag nito.

“Fiscally responsible, gusto nila direct procurement ok ‘yun pero nakalagay doon may track record, may capitalization, walang kamag-anak na incorporator na kasama ng DOTC (Department of Transportation and Communication) dapat nakadetalye sa probisyon para hindi tayo niloloko,”pabibigay-diin nito.

Maaari rin aniyang bawiin ng Kongreso ang iginawad na e-powers kung hindi tumupad sa napag-usapang deadline ang pagpapasahan ng e-powers.