Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senado bubusisiin presyuhan ng COVID vaccine

0 74

Tatanungin ng mga senador sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa mga opisyal ng gobyerno ang presyo ng mga bakunang kanilang inorder para sa national vaccination program laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senador Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa likod nang paggit ng mga awtoridad hinggil sa non-disclosure agreement sa mga vaccine manufacturer.

“They’re claiming kasi the non-disclosure agreement. ‘Yung non-disclosure agreement cannot be used for government funds because we have to properly account it,” pahayag ni Zubiri sa panayam sa ANC.

“In the next hearing, I think tomorrow, either in an executive session—so that they don’t violate their non-disclosure agreement—we’re going to ask them to disclose the prices of the purchase of the vaccines,” dagdag pa nito.

Nababala si Zubiri na sinelyuhan na ng Department of Health ang kasunduan sa pagbili ng bakuna sa China-Sinovac kahit na 50.4 porsiyento lang ang efficacy rate nito sa Brazil.

Hinikayat naman nito ang Food and Drug Administration na madaliin ang pag-apruba para sa lokal na konsumo ang mga bakunang gawa sa US at UK. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.