Una sa Balita

Senado bubusisiin na ang 2020 budget

0 369

UUMPISAHAN na ngayong araw ang debate sa plenaryo ng Senado ang ­panukalang P4.1 trilyon national ­budget para sa 2020.

Ayon kay Senador Sonny Angara, Senate finance committee chairman, ­target nilang maisumite ang General Appropriations Bill (GAB) sa tanggapan ng Pangulo sa ikalawa o ikatlong linggo ng Disyembre.

Binigyang-diin ng senador ang ­kahalagahan na maipasa sa oras ang 2020 national budget at hindi ­matulad noong nakaraang taon kung saan ­naantala ang pag-apruba ng 2019 ­General Appropriations Act.

“So critical is the GAA in fact hat ­because we failed to pass it on time ­during the previous budget cycle, the country paid a price,” ani Angara.

Tiniyak naman nito bibigyan ng sapat ng pondo ang Department of ­Education, Commission on Higher ­Education at Technical Education and Skills ­Development Authority pare ­matiyak na maibigay ang ­pangangailangan ng mga mag-aaral.

Gayundin umano sa ­pangkalusugan kung saan committed ang gobyerno na mabigyan ang lahat ng mga Pilipino ng free insurance coverage sa ilalim ng ­Universal Health Care Act.

May sapat na pondo rin sa ­pagsasaayos ng mode of public transport na isa sa mga kritikal na programa ng administrasyon. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy