Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Senado babalatan bagong ‘pastillas’ scheme

0 64

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang ang ‘new flavor’ ng ‘pastillas’ immigration scheme kung saan ang mga Chinese national ay nagbabayad ng P550,000 para mabilis ang kanilang pagpasok sa bansa.

“Parang may loose thread pa na kailangan naming balikan at ibuhol tungkol dito sa ‘pastillas’ dahil nag-evolve pa. Nag-mutate,” pahayag ni Hontiveros sa panayam sa radyo.

“Kung dati P10,000 ngayon P550,000 na per head. Akala ko nga po COVID-19 lang ang nagmu-mutate, pati ‘pastillas’ scam na rin pala, parang bagong flavor na ng pastillas,” dagdag nito.

SM food to go Banner Ad

Si Hontiveros, chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, ang na­nguna sa imbestigasyon ng Senado sa ‘pastillas’ scam kung saan pinapalusot ng tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang Chinese national kapalit ng P10,000 service fee.

Sabi ng senadora, pinapaboran lang ng immigration scheme na ito ang mga Chinese national na pumapasok sa bansa. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.