Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sen. Win tiklop sa sigaw ni Bianca

0 54

Tiklop Sen. Win Gatchalian kay Bianca Manalo, kung ibabase sa video ng beauty queen-actress sa YouTube.

In-upload ni Bianca ang naging bakasyon nila ni Sen. Win sa Boracay.

Sa video ay kinukunan ni Bianca si Sen. Win sa veranda habang may ginagawa ito sa hawak na gadget. Sinit ng aktres si Win sa pagtatrabaho, gayung nasa bakasyon sila.

Niyaya ni Bianca si Sen. Win na lumabas na sila pero lumingon lang ang huli sa kanya. Ilang sandali, pinuntahan ni Bianca si Sen. Win at sumigaw na, ‘tara nah!’ sabay kuha sa gadget nito.

Nagulat ang senador, at natawa sa ginawa ni Bianca. Pero, agad nga niyaitong sinundan.

Marami pang eksena si Bianca na kapag tinawag niya si Win ay agad lumilingon ang senador.

Pero siyempre, may mga eksena rin na hinahayaan lang ni Bianca si Win na magtrabaho lang. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.