Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sen Villanueva tinamaan ng virus

0 165

Nagpositibo sa COVID-19 si Senador Joel Villanueva.

Ibinunyag ito ng senador kahapon matapos matanggap ang resulta ng RT-PCR test sa kanya noong Huwebes ng gabi.

“Nag-positive po tayo sa COVID sa resulta ng RT-PCR test nitong Huwebes ng gabi, pagkatapos kong makaramdam ng lagnat at pananakit ng ulo noong Miyerkoles,” sabi ni Villanueva sa viber message sa mga reporter.

“Inabisuhan ko na po ang lahat ng aking nakasalamuha noong mga nagdaang araw tungkol sa aking kalagayan, at kasalukuyan po tayong naka-isolate,” dagdag nito.

Ayon kay Villanueva, fully vaccinated naman siya at nakatanggap na rin ng booster shot.

“Dahil bakunado at boosted po tayo, at sa tulong ng panalangin sa Diyos, malaki po ang tiwala ko na malalampasan natin itong balakid na magpatuloy ang trabaho natin sa Senado,” sabi pa ni Villanueva. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.