Una sa Balita

Sen. Poe suportado ang ABS-CBN

0 459

Regine tiwalang mare-renew ang prangkisa ng Dos

Hopeful si Regine Velasquez na ire-renew ng gobyerno ang franchise ng ABS-CBN.

Sa interview sa kanya, sinabi ng Kapamilya star na concerned siya sa kalalabasan ng franchise renewal ng network na mag-e-expire ngayong darating na Marso.

“We are very concerned. Siyempre kabuhayan namin ‘yon. But we are very hopeful, all of us are very hopeful,” anang Asia’s Songbird.

Kasunod ni Regine, nagpahayag din ng kanyang suporta si Senator Grace Poe.

Ayon sa mambabatas, “Marami akong mga nakausap na mga kasama natin doon (Senado). Suportado naman nila ang pagre-renew nito. Pero siyempre, kikilatisin din mabuti ang magiging kasunduan sa franchise.”

Marami raw kasing natutulungan ang network kaya naman pabor siya na ma-renew ang network.

Pero mukhang nag-uumpisa nang manggigil ang Kapamilya fans sa status ng franchise renewal ng ABS-CBN. Nasa unang linggo na kasi tayo ng Pebrero, pero ang Kongreso, hindi pa rin ini-schedule ang hearing para sa prangkisa ng network.

Kaya tuloy ang ilang fans, hindi na makapagpigil na ilantad ang hinaing nila sa “pananadya” raw na ito ng Kongreso.

“Anu na, Feb 2020 na! Pananadya na ata talaga ‘to e. Nasaan na ‘yung pangako mo Cayetano na first week ng Feb may hearing na tungkol sa franchise ng ABS-CBN,” maanghang na comment ng Facebook user na si Reyboy Allan Quilicol.

Kung susumahin kasi, umabot na sa 10 bills ang ipinasa ng iba’t ibang kongresista para sa franchise renewal ng Dos. Kung sino-sinong indibidwal at grupo na rin ang nakikiusap na umpisahan na ang hearing sa franchise ng ABS-CBN dahil pa-expire na ito sa Marso. Pero sa kabila nito, deadma pa rin ang Kongreso. Imbyerna tuloy ang fans.

Paingay nang paingay ang isyu ng prangkisa ng ABS-CBN. Mapagbigyan na kaya ng Kongreso ang panawagan ng madlang people? Abangan natin ‘yan!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More