Sen. Pimentel, ‘kinuyog’ sa impeach Robredo

By

Kumbaga sa boksing, kaliwa’t kanan ang suntok na binitawan ng mga Liberal Party (LP) senators laban kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III dahil sa pahayag nito na malaki ang tiyansang umakyat sa Senado ang ihahaing impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon sa kalkulasyon ni  Pimentel, nasa mahigit 200 ang tagasunod ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kamara kaya madali nilang makukuha kakailanganing boto para umusad ang binabalak na pagsasampa ng impeachment laban sa pangalawang pangulo.

Ayon sa LP senators, imbes na pag-initan ng Senate President si Robredo, marami pang importanteng bagay na dapat pagtuunan tulad ng paglaki ng bilang ng namamatay sa war on drugs, pagtaas ng presyo ng bilihin at banta ng China sa Benham Rise.

“We urge Senate President Koko Pimentel to focus on the numbers that matter: the thousands of unresolved murders, the rising prices of basic goods, and the 13-million hectare undersea region rich in minerals and biodiversity of Benham Rise,”ayon sa statement ng LP senators.

“These are the numbers that we should all be focusing on, not the 100 votes of congressmen on the impeachment case threatened by House Speaker Pantaleon Alvarez and Solicitor General Jose Calida on Vice President Robredo.”giit pa nila.

Binigyang-diin pa ng mga senador na kaya sila niluklok sa puwesto ng mga botante ay para matulungan ang mga magulang at kanilang anak sa magandang hinaharap sa buhay at hindi para makisawsaw sa pulitika.


SHARE