Una sa Balita

Semplang sa 126 lbs. Donaire balik-118

By
0 1,196

Bigo nang ilang ulit sa featherweight limit na 126 pounds, babalik sa bantwamweight division o 118-pound limit ang dating tiga­sing Pinoy fighter na si Nonito Donaire, Jr.
Ito ang nais ng bagong handler ni Donaire na si Richard Schaefer ng Ringstar Sports.

Ayon sa boxing promoter, nalusaw ang bilis at lakas ni Donaire sa 126 pounds maging sa mas mababang 122.

“One thing that seems to be very clear, he doesn’t really belong at 126lbs, he just doesn’t have the power to hurt at 126lbs, like he does at 122 and particularly 118,” dada nito sa boxingscene.com.

“We actually are discussing for Nonito potentially going back down to 118 and maybe give it another run there and see where it goes.”

Nakatikim si Donaire, 35, ng one-sided 12-round decision loss kay hometown hero Carl Frampton sa Belfast, Ireland noong isang buwan kaya nagdesisyon si Schaefer na ibaba ng timbang ang bagong alaga.