Una sa Balita

Semirara-Consunji sablay sa coal deal

0 267

INAMIN ng Semirara Mining and Power Corp. na wala pang kaukulang papeles ang kliyenteng binentahan nito ng Semirara coal noong Mayo 23 kaya ito pinagmumulta at sinampalan ng cease-and-desist order ng Department of Energy (DOE).

Ang Semirara Mining ay pag-aari ng pamilya Consunji na nagmamay-ari ng DMCI.

Sabi ng Semirara Mining, kasalukuyan silang nakikipag usap sa DOE at inaapila nitong matanggal ang CDO at huwag nang pagmultahin.

Noong Hulyo 10, sinabi ng Semirara Mining na inaapila nito CDO ng DOE dahil may mga kontrata ito sa iba pang mga buyer at huwag munang ipa­tupad.

Pinapalakpakan naman ng mga environmenta­list ang hakbang na tinahak ng DOE laban sa Semirara Mining.

Sabi ng Center for Energy, Ecology, and Deve­lopment, dapat lang siguraduhin ng DOE na sinusunod ng mga kompanyang sakop nito ang mga batas para sa proteksyon ng mga tao.

“Mining and trade in coal is dangerous to mi­ners, the environment, and once the coal is used, to the general population,” sabi ni CEED executive director Gerry Arances. Marahil napapanahon nang pag isipan ang paghihigpit sa pagmimina ng coal sa o ‘di kaya’y ang pagbabawal na sa paggamit nito sa bansa, sabi niya.

Ayon sa Semirara, pinadala nito ang 4,768.73 toneladang coal sa buyer nito nung May 23 na wala pang coal accreditation certificate sapagkat sinabihan silang nag-a-apply na ito sa DOE ng sertipikasyon noon pang Abril 5. Sabi ng Semirara, dapat inaksyunan ng DOE ang aplikasyon ng kanilang buyer sa loob ng 15 araw pagkatanggap nito.

Sabi ng Semirara, hindi nila inaasahang magkakaroon ng material na epekto sa kanilang negosyo ang CDO ng DOE.

Gayunpaman, sinabi rin ng Semirara na nakikipag-usap ito sa DOE para iapila ang desisyon para hindi maistorbo ang kanilang operasyon at matupad nila ang kanilang mga kontrata. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy