Una sa Balita

Seminar sa pagtrato sa may disability

By
0 1,093

Isang seminar ang isina­gawa ng pamunuan ng SM Supermalls sa Olongapo City sa kanilang mga empleyado kung paano ang tamang pagtrato sa kanilang mga customer na may disability o special needs.

Bago ang seminar ay ipinagmalaki ng SM Super­malls ang kanilang mga pasilidad na maa­aring magamit ng mga taong may kapansanan o People With Disability (PWDs) mula sa paggamit ng palikuran, parking space, pagsakay sa ele­vator, cinema at comfort room bilang pagsunod umano sa itinatakda ng batas.

Ayon kay Old Cabalan Integrated School (OCABIS) coordinator Ms. Veronica Galicia, napaka­sensitibo ng kalagayan ng mga may kapansanan kaya may tatlong paraan umano na maaari silang makipag-communicate sa nomal na tao sa pamamagitan ng sign language, gestures at paggamit ng ballpen at papel.

Ipinaliwanag naman ni SPED teacher Millette Sarmiento ng Gordon Heights Elementary School ang mga dahilan kapag sinusumpong ang mga taong may autism at kung paano ang tamang pamamaraan para pakal­mahin sila dahil sa pagi­ging sensory sensitive.

Itinuro naman ni SPED Visually Impaired Teacher Minerva Medrano ang tamang paggabay sa mga taong bulag partikular kung sila ay nasa hapag kainan, nagla­lakad sa makipot na daan at bumababa o umaakyat sa hagdanan na kailangang sabihin sa may kapansa­nan ang mga bagay-bagay na nakapaligid.