Una sa Balita

Semifinals ng PBA puno ng aksiyon

0 326

Bago ang break ng PBA Philippine Cup ay nakakuha na ng dalawang sunod na panalo ang Rain or Shine Elasto Painters ngunit humabol at sinilat ng Magnolia Hotshots ang Game 3.

Ngayon ay 2-1 na series ng Rain or Shine at Magnolia.

Mahirap nga naman ang magiging estado ng Hotshots kung makakatatlong panalo na ang Elasto Painters.

Hindi naging madali ang unang panalong ito ng mga manok ni Coach Chito Victolero, hindi rin naman kasi nagpaawat ang mga bata ni Coach Caloy Garcia pagdating sa opensa.

Ngunit tulad ng sinabi ni Mark Barroca, kailangan na nilang makuha ang una nilang panalo sooner than later. Tagumpay naman sila na makuha ang Game 3, nangyari ito habang maaga pa.

Marahil talagang pagod pa ang Hotshots mula sa quarterfinals kontra sa Ginebra.

Matapos nga naman ang laro kontra sa Ginebra ay sabak agad sila laban sa Rain or Shine na naging mahaba ang pahinga at paghahanda kaya naman aral na aral nila ang diskarte at play ng Hotshots.

Naging edge talaga ito ng Elasto Painters ngunit hindi naman magpapaisa ang Magnolia kaya nagsimula na silang umariba para makuha ang kanilang unang panalo sa best of seven series.

Lipat naman tayo sa kabilang harapan, ang Beermen at Fuel Masters, 2-0 na nga ang kanilang series, at talaga namang ipinapakita ng San Miguel kung bakit sila ang kampeon sa loob ng apat na taon.

Kung pisikalan at init lang naman ang pag-uusapan ay punong-puno nito ang harapan ng mga team na ito. Talaga namang puno ng aksyon, may sakitan at salitaang nagaganap. Kitang-kita naman ito sa bakabakn ng Fuel Masters at Beermen.

Experience wise at talent wise ay lamang talaga ang tropa ni Coach Leo Austria.

Unang pagkakataon ng Phoenix na makapasok sa playoffs kaya hindi pa sila pamilyar sa klase at intensity ng laro pagdating sa stage na ito.

Wala pa silang nakukuhang panalo kahit sila pa ang top team sa eliminations.

Sabihin na nating bagito ang koponan ni Coach Louie Alas ay paniguradong puno ng gutom at gigil ang mga ito, minsan ka na nga lang makapasok sa playoffs kaya dapat sulitin nila ito. Go big or go home ‘ika nga.

Ang champion team na San Miguel ay lumalabas ang pangil kapag ganitong semis na, ang kaniilang “Death Five” ay talaga namang deadly kaya hirap ang Fuel Masters, samahan mo pa ng pisikal na laro tulad ng nangyari nitong nakaraang Game 2.

Ejected si C-Stan (Christiasn Standhardinger) sa laro matapos tawagan ng flagrant foul. Tila sinadya ngang sipain sa mukha at maging sa maselang bahagi ni C-Stan si Calvin Abueva kaya naman talsik sa laro ang una.

HIndi naman ito pinalagpas ng PBA kaya’t pinatawan ng P20,000 fine si C-Stan ngunit wala namang suspension na nangyari.

Basta talaga playoffs ay asahan na natin ang ganitong klase ng eksena pero asahan na rin nating walang suspension na mangyayari dahil iniiwasan ito kapag ganitong semis na at finals.

Maging ang management ng Phoenix ay puno ng emosyon nitong nakaraang Game 2 kaya siguradong mas dadayuhin ng fans ang bawat laro dahil sa mga ganitong eksena.
At tulad nga ni Standhardinger, may P15,000 fine rin si Calvin Abueva at P5,000 naman para kay Doug Kramer.

Talagang ang mga pambato ng bawat teams ang madadali ng pisikalan sa laro, pero tignan na lang kung makakabawi pa ang Fuel Masters.

***

Nais ko lang pong batiin ang aming basketball team, ang Pia-Gian para sa kanilang ikatlong sunod na kampeonato sa aming baranggay league.

Mula 2018 ay walang naging talo ang aming team, congratulations guys! Keep it up!

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang aming show ni Bes Ramil, ang Sportalakan, Martes, 6pm. Salamat po.

God bless, mga Ka-Abante!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy