Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Semerad, Dennison babu sa Blackwater

0 169

NAPABILANG sina David Semerad at Ron Dennison sa unrestricted free agents matapos na palayain ng Blackwater, matatapos ang kontrata ng dalawa ngayong buwan subalit hindi na sila inalok ng bagong kontrata ng Bossing.

Hindi rin na-renew ng mga Bossing ang mga big men na sina KG Canaleta at Frank Golla. “Pinakawalan na namin. Hindi na kami nag-offer,” sabi ni Blackwage team manager Johnson Martinez.

Inamin ng opisyal ng Blackwater na ang hindi pag-renew ay bahagi ng tuluy-tuloy na plano ng koponan na baguhin ang komposisyon para sa susund na mga komperensiya.

“Yes, kung may kumuha sa kanila,” sabi ni Martinez ukol sa dalawang manlalaro na maaari na kunin ng ibang koponan na walang kondisyon. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.