Una sa Balita

Semana, Air Force binomba ang BanKo

0 225

PINALIPAD ni Wendy Semana ang PH Air Force tungong 5-straight wins sa pagresbak sa first round tormentor BanKo, 26-24, 25-8, 25-21, sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims Linggo ng hapon sa The Arena sa San Juan City.

23 excellent sets ang tinapos ni Semana upang ibigay sa kanyang mga spiker ang total 44 attacks nila upang kunin ang ika-5 na panalo nila sa 10 laro sa midseason women’s indoor volleyfest at kapitan ang sixth place.

Pumuntos ng 14 si Dell Palomata mula sa kanyang 12 spikes at two blocks upang ibawi ang 5 talo nila sa 1st round, kasama ang straight kontra Perlas Spikers na bumagsak sa 6-4 kabuhol sa fourth spot ang Pacific Town Army.

Si Dzi Gervacio lang ang nag-iisa lang na gumawa ng twin digit sa BanKo sa pagpalo ng 10 pts. habang may 9 si Nicole Tiamzon. (Aivan Denzel Episcope Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy