Una sa Balita

Selosong mister tinarakan si esmi

0 389

MATINDING selos ang sinasabing dahilan kung bakit napatay ng 37-anyos na mister ang kanyang misis na sumuko sa mga pulis sa Sta. Barbara, Panga­sinan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Renaldo Catunggal, ng nasabing bayan. Sa imbestigasyon, nangyari ang krimen noong Martes, nakita umano ng mga anak ng suspek na duguan ang kanilang nanay na si Jaimmie F. Cumilang, 38, sa loob ng kanilang bahay na may saksak sa kanyang dibdib.

Ayon sa mga awtoridad, bago ang pananaksak, nagkaroon muna ng pagtatalo ang mag-asawa tungkol sa selos ng suspek na umano’y mayroong kausap na ibang lalaki ang biktima.

Sa mainitang pagtatalo, kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang kanyang misis sa dibdib.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong parricide. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More