Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Selos si JM? Arci negosyante-car racer ang bagong dyowa

0 65

Close pala sina Arci Muñoz at dating konsehal ng San Antonio, Nueva Ecija na si Renan Morales, anak ng negosyante na si Mrs. Rhodora Pacual-Morales, na mas kilala bilang Tita Doray.

May ginawang campaign drive si Arci at former professional car racer na N-1 champion at F3 Formula driver sa nasabing bayan, tungkol sa kabutihan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19, na hinihikayat nila ang mga kababayan ni Renan to get vaccinated, lalo na ngayong may mga kaso na ng Delta variant sa bansa.

Pero siyempre, may tanong ang bayan: Paano nagkakilala at naging magkaibigan sina Arci at Renan? Magkaibigan lang ba talaga sila o magka-ibigan (ang luma, ha! Hahaha!)? Kamusta naman kaya sina Tita Doray at Arci?

Well, bagay naman sina Arci at Renan, ganders at wafu sila! Pero don’t you worry, guyszh, lahat ‘yan ay aalamin ko at isusulat ko para sa inyong lahat pagkakita ko sa kanilang dalawa bukas, mga darleng!

Oh, devah, ura-urada?! Hahaha!

Kung ‘dating’ talaga ang status ng relasyon ngayon nina Arci Muñoz at Renan Morales, sana magtuloy-tuloy ito kung pareho naman silang single.

I’m sure, super duper happy para sa dalawa, lalo na sa aktres ang guy best friend nitong si JM de Guzman! O baka selos din, dahil magiging madalang na silang magkita ng bestfriend niya?

Sikat, guwapong aktor madamot sa staff

Baka knows niyo itong aktor na maraming product endorsement! Siyempre, sikat siya, kaya marami siyang ineendorso!

Mabentang brand ambassador, ika nga.

Of course, gwaping! Magaling naman umarte at mukhang mabait!

Pero, ito na ang chika ng source ko! Sa dinami-rami raw ng mga produktong binibigay sa aktor ng mga kumpanyang nagtitiwala sa kanya bilang endorser, lahat daw ay nakaimbak lang sa office ng manager nito at hindi man lang daw ito namimigay ni isang produkto sa mga nagtatrabaho sa kanya, maging sa office staff ng manager ng aktor. Plano kaya magtayo ng grocery store ng aktor, kaya hindi niya bet i-share ang goods? Hahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.